GLyr

Asin – Lumang Simbahan

Singers: Asin
song cover

Lyrics Asin – Lumang Simbahan

Text:

Sa lumang simbahan, aking napagmasdan
Dalaga’t binata ay nagsusumpaan
Sila’y nakaluhod sa harap ng altar
Sa tig-isang kamay, may hawak na punyal

Kung ako’y patay na, ang hiling ko lamang
Dalawin mo, giliw, ang ulilang libing
At kung maririnig mo ang taghoy at daing
Yao’y panghimakas ng sumpaan natin

At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang
Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw

Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw