Lyrics Gloc–9 – Bintana
Text:
Pagmulat ng aking mata
Isang maaraw na umaga
Bumangon sa aking kama
Diretso na sa kubeta
Mga libag saking likod
Magmumumog pagkasipilyo
Handa na po ang inyong lingkod
Pagkatapos magsuklay
Suot ang bago kong damit
Nakahanda akong mamatay
Habang ako’y papalapit
Sa isang dilag at ang sabi ko sakanya
Itaas ang mga kamay holdap to
Ilabas lahat ng pera sa bangko nyo
Hindi ko naman talaga balak na gawin ito
Para bang ako’y tinulak lamang sa gawi na to
Ang gusto ko lamang naman ay tahimik na buhay
Kasama ang pamilya ko bawat araw makulay
Pag empatyo sa kahirapan ay sadyang nakakaumay
Kahit na ang maamong tupa’y tutubuan ng sungay
Kay pastor napilitang mamasukan si misis
Araw-araw na kinukwento kung gano kamanyakis
Kahit di pa nya sabihin kung hanggang saan ang labis
Magtiis sa amo na makaraos lamang ang nais
Isang araw ang aming anak walang tigil sa pag-iyak
Kung bakit ang mga doktor ay hindi makatiyak
Anong tunay na galak bakit napakailap
Para sa mga mahal puso ko’y nabibiyak
Pumasok ako dati kay mayor bilang alalay
Kumatok sa pinto ng kanyang malaking bahay
Upang humingi ng tulong para sa aking panganay
Tinaboy, kinutsya ako’y hinamak ng ina
M’ak madumi na daw ang sahig kung san ako tumapak
Ang mundo pala’y makipot akala ko malawak
Binitawan ang pag-asa na matagal ko ng hawak
Tinawagan ang kumpare para humiram ng bakal
Papasok sa pinto naglalakad ng mabagal
Labag man sa kalooban hindi ko naman asal
Ayoko ng basahin ang nakasulat na bawal
Pinuno ng salapi ang dala dala kong bag
Tumakbo ng tumakbo palayo at lumundag
Sa isang bangin na madilim para kang bulag
Nagpalipas ng gabi hanggang sa magdamag
Kinabukasan nilagay ang pera sa kahon
Saka ko’y kinandado malalim kong binaon
Nagpaalam sa mag-anak ko na tanong ng tanong
Meron na tayong sagot kahit ako’y makulong
Dadalhin ka na anak magpalakas ng katawan
Mag-aral kayong mabuti yan ang laging tandaan
Ako’y sumuko sa pulis agad akong kinapkapan
Nung walang nakatingin saka ako…