GLyr

Gloc–9 – Dungaw

Singers: Gloc–9
song cover

Lyrics Gloc–9 – Dungaw

Text:

Kahit pumikit
Kitang kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pupunasan ng panyong punit punit

Kahit tahimik Bakit tila di ako naririnig
Kamang masikip
Ang mag hahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli

Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon Biskuwit at kapeng umaapaw
Kaibigang ngayon ko nalang nakaulayaw
Ng ilang taon
Parang espesyal na araw

Hoy pare bakit ka napadaan? Huwag mong sabihin na mangungutang ka nanaman

Bat di mo subukan na gumawa ng paraan nang mabayaran mo yung nakuha mo nung nakaraan?

Di bale na para sa inaanak ko nalang Pero tol baka puwedeng maawa ka naman

Tama nang batak humatak kaya palaging may sapak kailan mo kaya lubusang maiintindihan?

Alak sugal bato batopik
Lumang baraha talunan sa tongits

Taguan sa parak tatakpan ka ng komiks
Tanong mo sa sarili mo Pano ba toits

Wala kang mapapala maniwala ka Samin

Dito ay hindi nag babago ang ihip ng hangin

Kung walang makasama pilitin mong kausapin
Alam naman natin na puwede kang magaya sa akin

Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon
Biskuwit at kapeng umaapaw

Pamilyang ngayon ko nalang nakaulayaw
Aking propesyon
Lahat ng oras ko’y ninakaw

Aking asawa’t mga anak
Lakas ko na syang nag tutulak
Upang kayanin ko ang lahat
Hanggang ako’y di na mamulat

Aking asawa’t mga anak
Patawad kung kayo’y nasadlak
Sa ganitong buhay
Nga pala may perang naka padlock

Kahit pumukit
Kitang kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pupunasan ng panyong punit punit
Kahit tahimik Bakit tila di ako naririnig
Kamang masikip
Ang mag hahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli

Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon
Biskuwit at kapeng umaapaw
Bakit po ngayon ko lang kayo nakaulayaw?
Habang panahon Marami lang gustong malinaw

Huwag nyo po sanang masamain
Kung ano man itong bagay na aking gagawin
Hindi naman po galit ang mga nakatanim
Kundi mga hinaing na binubulong ng palihim
Alam ko po na malabo akong makarating
Sa bahay nyong malayo pa sa mga bituwin
Isa lamang po naman ang tangi kong hiling
Lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin
Bakit may mga sakit na hindi malunasan?
Luha ng mga bata na hindi mapunasan
Mga may kasalanan na hindi maposasan
Dungis sa kababaihan na di mahugasan
Bakit may gutom sa hirap ay lubog?
Habang ang iba’y parang hindi nabubusog
Siguro ay hindi na kayo mapagkatulog
Sa tunog kapag sabay sabay kaming dumudulog
Bakit may limos ano ba ang bigay?
Bakit may anak na nauunang mamatay?
Sa mga magulang para ilibing
Lungkot na wala yatang dapat makatikim
Mga aral na tinuturo at nag mula sa
Mga salitang sinulat nyo daw at pinasa
Sa mga tao na nag uutos ng kabutihan
Pero bakit may mas mabuti pa na di nakabasa
Sila pong mga naiwan sa tahanan Nyo
Di naman dinidiligan ang halaman Nyo
Gamit ang perang nahakot sa pangalan Nyo
Sinasabi ko lamang para malaman Nyo…