GLyr

IV Of Spades – Sa Kahapon

Singers: IV Of Spades
song cover

Lyrics IV Of Spades – Sa Kahapon

Text:

Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan
Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
Mag-tampisaw sa tag-ulan ng kaligayahan mapunan
Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan

Anumang dumating na problema dedma
Barya lang ang katapat ng tawang abot tenga
Di ko namalayang tumakbo ‘yung panahon
Kung hindi pa ko lilingon sa dating pitaka’t lamesa
Dati ko’ng mundo, palaruang malawak
Sa piling ng bawat katotong kasabay ko mangarap
Tawidin ang alapaap ng pati buwan makayakap
Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara!

Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata

Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

Ganun padin ang mundo naging makulay lang siya para sa’kin
Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
Ako pa din ‘tong kayang makisama makitawa
Magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
Pagsubok sa piniling kapalaran, parte yan
Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan
Kahit saan para sa dagok makipasan
Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan
Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
Nakaraan pasanin pahirapang ilarawan
Dating ingay ng tahanang naging boses ng lansangan

Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata

Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

‘Wag kang mangaba, sa aking pag-alis
‘Wag kang mangaba, sa aking pag-alis
‘Wag kang mangaba, sa aking pag-alis
‘Wag kang mangaba, sa aking pag-alis

Silang mga nagtiwala sa’kin nung wala pa kong
Alam sa kayang mabago ng barang kinabisado
Sa kubeta’t lababo hanggang sa TV at radyo
Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano
Bilang regalo itong awitin muna sa ngayon
Na mananatiling nandiyan mapawala ka’t magkaron
Siyang paalala na din kasama mo ‘ko palagi
Anumang hinaing sa pagsubok mo, ako’y kahati
Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
‘Wag mag-alangan abutin, sige ako bahala
Maging halimbawa at gabay mo para maniwala
Sa’yong makakaya, bilang kapatid mo kay Bathala

Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon

Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala