Lyrics Kiyo – Sakay
Text:
Malamig na ang hangin
Maganda ang tanawin pero sayo nakatingin
San mo ba ‘ko dadalhin? san mo ba ‘ko dadalhin?
Pero bahala na rin kung saan makarating
Basta kasama ko pa rin ang
Siyang babae na walang kupas ang dating at
Walang problema kung salitan sa manibela
Basta wag kang matutulog sa kwento akong bahala
At kung ang ingay ng kalsada ay di mo trip
Tumingin sa bituin, nagniningning doon sa langit
Para satin, dahil para satin ang gabi na to
Isabay sa pagsakay ang tugtugan natin sa isteryo
Sabihin mo sakin
Ang mga tanong na dahilan kung bat di makatulog
Sa gabe
Wag ka mahiya kasi hindi tayo nagmamadali
Masyadong maliwanag ang mga poste sa daan
«Tutal traffic naman, yung speaker hihinaan ko nalang muna.
Teka lang ha? sana ganto nalang ka-traffic palagi no?
Para matagal pa tayo magkasama.
Para marami pa tayong mapagkwentuhan.»
Handa kong makinig sayo walang pake kung maligaw
Pumunta kahit saan basta kasama ay ikaw
Basta kasama ay ikaw