Lyrics Marion Aunor – Paalam Muna
Text:
Hanggang dito na lang ba ang kuwento nating dalawa
Urong-sulong ang simula ngunit bakit ang pagtatapos ay bigla
‘Di pa ko handa
Sa yong biglang paglisan nang kusa
Kailangang sabihin na
Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika’y manatili
Sa ngayo’y di na to maaari
Kaya’t paalam muna
May nasabi bang mali
Kaya’t ang paglambing mo ay biglang kumubli
Akala ko ikaw na ang siyang papawi ng pait at hapdi
Ngunit di na maaari
Kailangang hayaan na ika’y umalis
Wala na akong magagawa
Kailangang sabihin na
Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika’y manatili
Sa ngayo’y di na to maaari
Baka sa hinaharap
Pwede pang bumalik ang damdaming nawala
Sa isang panahong walang hahadlang
Sa mga pusong naghahanap
Ngunit sa ngayon
Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika’y manatili
Kaya paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika’y manatili
Sa ngayo’y di na to maaari
Kaya paalam muna
Oh wohh wohh…