Lyrics Quest – Pilipinas
Text:
Meron akong pangarap, alam ko ikaw din
Matagal ko nang hinahanap, liwanag sa dilim
Mailap ang tadhanang inaasam natin
Pero patuloy pa rin ang laban patungo sa kapayapaan
Pagkaka-isa, tugma kahit may pagkaka-iba
Di lang pera ang yaman, pati pag-ibig sa ating bayan
Pag-asa ay sagana, pagdating sa pangarap lahat may gana
Panahon na para lahat ng ito ay tuparin
Dahil ang Pilipinas ko ay Pilipinas mo rin
Bayan ko, bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin ‘to
Alam kong kaya mo, kaya ko, bayanihan ipakita natin ‘to
Dahil ang bayan ko ay bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin ‘to
Hindi ka na mag-iisa, tara magsama-sama (Pilipinas sama-sama, sama-sama)
Wala nang lokohan, tama na ang sisihan
Wag kang patay malisiya, magkaintindihan
Bawas reklamo at dagdag ka ng aksyon
Pag lahat tayo’y sama-sama napakalakas nun
Manatili lang sa tama, paliko man ang daan
Ipagpatuloy ang liwanag gaano man kadilim yan
Di ka na mag-iisa, kami’y makiki-isa
Di na pwede ang pwede na
Panibagong simula para sa lahat walang eksklusibo
Kaunlaran sa lahat ng Pilipino
Iangat ang antas, ituwid ang landas
Abutin ang inaasam hanggang sa lumampas
Tayo mga bahaghari pagkatapos ng bagyo
Gaano man kahirap manatiling nakatayo
At muling pakinangin ang tatlong bituin at yung liwanag ng araw ay muling pasilawin

Hindi ka na mag-iisa, tara magsama-sama
Para sa bagong simula
Tara magsama-sama
Hindi na pwedeng mag-isa
Pilipinas sama-sama
Hindi ka na mag-iisa, tara magsama-sama
Para sa bagong simula
Tara magsama-sama
Hindi na pwedeng mag-isa
Pilipinas sama-sama