GLyr

Rachelle Ann Go – Pag–Ibig Na Kaya

song cover

Lyrics Rachelle Ann Go – Pag–Ibig Na Kaya

Text:

Rachelle:
‘di na maalala
pa’no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw,

laging ikaw, laging nakita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama

Christian:
Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika’y lalapit sa akin
Ako’y parang natutulala
‘di ko malaman ang sasabihin ko

Rachelle & Christian:
Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
‘di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito

Christian:
Pag-ibig na kaya ito
Rachelle:
(Pag-ibig na kaya ito)

Rachelle & Christian:
Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan

Rachelle:
Malalaman mo lamang
ang nararamdaman
Kung ako ay magiging ikaw
damdamin nati’y magsama

Christian:
Laman ng puso ko’y ganyan din
ikaw ay narito na sa akin
‘di ko hahayaang mawalay

Rachelle & Christian:
Dito ka sa aking piling
Pag-ibig na kaya?
Pareho and nadarama
Ito ba ang simula?
‘di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito

Christian:
Pag-ibig na kaya ito
Rachelle:
(Pag-ibig na kaya ito)

Rachelle & Christian:
Pagkat nararamdaman
Pag-ibig natagpuan

Christian:
Gagawin lahat (gagawin lahat)
Upang ‘di magkalayo (upang ‘di magkalayo)
Dito lang ako

Rachelle & Christian:
‘di kita iiwan

Christian:
Kahit sandali ‘di ko papayagan

Rachelle & Christian:
Mawalay ka sa akin

Rachelle & Christian:
Pag-ibig na kaya?
Pareho and nadarama
Ito ba ang simula?
‘di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito

Christian:
Pag-ibig na kaya ito
Rachelle:
(Pag-ibig na kaya ito)

Rachelle & Christian:
Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan