Текст MNL48 – 365 Araw Ng Eroplanong Papel
Текст:
Tumingin sa langit ng umaga
Sa araw kung tawagin ay ngayon
Umaasang malalagpasan ng may ngiti
Tahimik na hinihiling
Kung minsan pumapatak ang ulan
Ngunit luha ay umaapaw
Mga araw na ‘di umaayon sa’ting plano
Bukas pagsisipagan ko
Pangarap na’king inaasam
Sa pangako na malaya
Nagagawa lahat aking ninanais
Ito ang aking hangarin
Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap ito’y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsunod
Sa halip ‘di alintana ang layo
Kung saan ‘to naglakbay at kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay
Tatlong daan anim napu’t limang araw
Pagkataong makita ang bituin
O gabing halos walang makita
Kahit nawawalan na ng pag-asa
Nakahanap ng sandigan
Sa iyong pinagdadaanan
Umasa ka, hindi ka nag-iisa
‘Di mo lang napansin ang kabutihan
Ng mga tao sa paligid
Buhay ay eroplanong papel
Magtiwala sa sarili at ika’y humayo
Lahat titingala sayo
‘Di man bihasa sa mga darating
Bigla kong namalayan na ko’y namayagpag na
Mabigyan ng lakas ng loob at pag-asa
Tayo’y magsama’t magsaya
Tatlong daan anim napu’t limang araw
Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap ito’y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsunod
Sa halip ‘di alintana ang layo
Kung saan ‘to naglakbay at kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay
Tatlong daan anim napu’t limang araw
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad