Текст Patch Quiwa – Heto Nanaman
Текст:
Tumatawag ka nanaman
Ano nanaman kayang dahilan
Ang sasabihin mo ngayon
Kung bakit ka nagpaparamdam
Bumabalik nanaman
Ilang ulit nang ganyan
Di man isa, di dalawa
Baka tatlo o higit pa
Pero heto ako
Sasagutin parin ang tawag mo
Isa pang pagkakataon
Para sa pag-ibig na binaon
Heto nanaman tayo
Di na ba tayo matututo?
Alam naman nating dalawa
Di tayo para sa isa’t isa
Heto nanaman tayo
Paulit ulit nalang
Pilit na binabalik balikan
Heto nanaman
Hindi ko man malaman
Kung bakit pinipilit pa
Ilang beses ng sinubukan
Bakit ba hindi kayang sukuan?
Kaya heto ako
Sasagutin parin ang tawag mo
Isa pang pagkakataon
Para sa pag-ibig na binaon
Heto nanaman tayo
Di na ba tayo matututo?
Di tayo para sa isa’t isa
Heto nanaman tayo
Paulit ulit nalang
Pilit na binabalik balikan
Heto nanaman
Heto nanaman
Paano ba magsasawa sayo?
Paano ba tuturuan ang puso?
Heto nanaman tayo
Di na ba tayo matututo?
Alam naman nating dalawa
Di tayo para sa isa’t isa
Heto nanaman tayo
Paulit ulit nalang
Pilit na binabalik balikan
Heto nanaman
Heto nanaman