GLyr

Aiza Seguerra – Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Singers: Aiza Seguerra
Albums: Aiza Seguerra – Aiza Seguerra - Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan
song cover

Lyrics Aiza Seguerra – Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Text:

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo ‘di mapipigil ang puso kong
Nagliliyab pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri’y magpapaalam na, oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Album

Aiza Seguerra – Aiza Seguerra - Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan