Lyrics Dong Abay – Aba–Aba
Text:
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Kasalanan kong aba abang kalagayan
Ako’y hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
Kaya walang mararating walang paroroonan
Ako’y laging naglalakad nang napakatulin
Kaya ako’y matitinik nang napakalalim
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Bakit ka aba aba ang kalagayan
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Kasalanan ko aba abang kalagayan
Ang kapalaran ko’y hindi ko hahanapin
Kaya’t di dudulog lalapit ang talagang sa akin
Ako’y hindi naghahangad ng anumang kagitna
Kaya ni isang salop walang mawawala
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Bakit ka aba aba ang kalagayan
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Kasalanan ko aba abang kalagayan
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Bakit ka aba aba ang kalagayan
Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan
Kasalanan ko aba abang kalagayan