Lyrics Ebe Dancel – Ang Probinsyano
Text:
Kami’y Bicolano, Tausug, Davaoeno, Ilocano, Kapampangan, Boholano, Tyabakano, Caviteno, Panggalatok, Bisaya, Rizaleno, Batangueno, Waray, Maranao, Ilonggo at Zamboangeno
Iwasan mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung san ako nagmula
Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
Di aatras, di lulubog, di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan
Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
Sya ay galing sa probinsya ang isa’y taga-Maynila
Nagsimulang lahat ng may buhay na tumila
Iisang wangis sa pangyayaring pambihira
Kailangang pasanin para lamang di masira
Ang iniwan at sinimulan
Di takot kaninuman
Sa ngalan ng batas lakas ng tawag ay tutugunan
Habulin man ng bala, di nya alintana
Para sa tao na kapareho ng mukha nya
Kakambal, sa kanya sumandal
Kapag binunot mo ang bakal
Samahan mo ng dasal
Dahil di mo masasabi ang daan na tatahakin pag kumilos
Titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung san ako nagmula
Mali ka dahil yan ay hindi ko ikakahiya
Di aatras, di lulubog, di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan
Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano