GLyr

Gloc–9 – Ang Probinsyano

Singers: Gloc–9
Albums: Gloc–9 – Gloc-9 - Sukli
song cover

Lyrics Gloc–9 – Ang Probinsyano

Text:

Kami’y bikolano, tausug, davaoenyo, ilokano
Kapampangan, boholano, tsabakano, kabitenyo
Panggalatok, bisaya, rizalenyo, batanggenyo
Waray, maranaw, ilonggo at zamboanggenyo

Iwasang mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung sa’n ako nagmula
Mali ka dahil ‘yan ay hindi ko ikakahiya

Kahit ako ay probinsyano, di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado, dahil ako ay probinsya-a-no

Di aatras, di lulubog
Di sumusuko anumang laban
Lupet at lakas kahit madulas
Walang takot na lalakaran
Nagpapatigas kahit marahas
Ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas na siyang tagalutas
Siya palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano, di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado, dahil ako ay probinsya-a-no

Siya ay galing sa probinsya, ang isa’y taga-Maynila
Nagsimula’ng lahat nang may buhay na sinilang
Iisang bagay sa pangyayaring pambihira
Kailangang pasanin para lamang ‘di masira
Ang iniwan at sinimulan, ‘di takot kanino man
Sa ngalan ng batas lakas ng tawag ay tutugunan
Habulin man ng bala ‘di nya alintana
Para sa tao na kapareho ng mukha nya
Kakambal, sa kanya sumandal
Kapag binunot mo ang bakal samahan mo ng dasal

Dahil di mo masasabi ang daan na tatahakin
Pag kumilos ang gatilyo na tila mula sa’kin
Kaya iwasan mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung sa’n ako nagmula
Mali ka dahil ‘yan ay hindi ko ikakahiya

Di aatras, di lulubog
Di sumusuko anumang laban
Lupet at lakas kahit madulas
Walang takot na lalakaran
Nagpapatigas kahit marahas
Ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas na siyang tagalutas
Siya palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano, di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado, dahil ako ay probinsya-a-no

Kahit ako ay probinsyano, di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado, dahil ako ay probinsya-a-no

Album

Gloc–9 – Gloc-9 - Sukli