GLyr

Gloc–9 – Dito Sa Barangay 143

Singers: Gloc–9
song cover

Lyrics Gloc–9 – Dito Sa Barangay 143

Text:

Mabagal man o matulin pilitin mong marating
Ang mga minimithi malayo may asintahin
Di man makuha sa una makakapuntos ka rin
Lundagin ng mataas kahit malalim ang bangin kasi

Gano man kahirap
Mabigat sa balikat
Sige pasanin mo
Ang iyong mga pangarap
Laging nag aalab
Pang hawakan mo

Kasi Kahit na malayo
Pilit mang itago
Di pahuhuli
Ganyan ang buhay namin
Dito sa barangay 143

Bakit minsan sa buhay kailangan munang pag pawisan
Madapat magkagalos hindi mo maiiwasan
Kahit na maiwanan subukan ng dahan dahan
Dahil di pwedeng paspasan sa daan ng patalasan
At tandaan na bihira ka lamang mapapasahan
Ng pagkakataon mahigpit mo na panghawakan
May higante mang nakabantay sa iyong daraanan
Pagmamahal at tapang sa puso mo ang pang laban

Mabagal man o matulin pilitin mong marating
Ang mga minimithi malayo may asintahin
Di man makuha sa una makakapuntos ka rin
Lundagin ng mataas kahit malalim ang bangin kasi

Gano man kahirap
Mabigat sa balikat
Sige pasanin mo

Ang iyong mga pangarap
Laging nag aalab
Pang hawakan mo

Kasi Kahit na malayo
Pilit mang itago
Di pahuhuli
Ganyan ang buhay namin
Dito sa barangay 143

Kapag inulit ulit dumadali ang mahirap
Tandaan mas matagumpay sa malakas ang masikap
Lahat ay binigyan ng regalo mula sa ulap
Isa lang ang dapat mong gawin kailangan mong mahanap
Alagaan bantayan ng itoy lumago
Nang ang kaya mong sipatiy palayo ng palayo
Lakasan ang loob padaluyin sa dugo
Pag dating ng araw sa hamoy kailangang tumayo

Mabagal man o matulin subukan mong marating