GLyr

Gloc–9 – Hindi Mo Nadinig

Singers: Gloc–9
Albums: Gloc–9 – Mga Kwento Ng Makata
song cover

Lyrics Gloc–9 – Hindi Mo Nadinig

Text:

Chorus: Jay Durias
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…

Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

1st Verse: Gloc-9
Minahal na kita
Nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha, niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw
Kaya’t ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mo’ng aking kamay
At sinabi sakin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako, pwede na kong mamatay
Ako’y nagsikap upang maibigay sayo ang langit
Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa’y nagtatalo, sayo’y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo, ako’y patakbong lumalapit
Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat, handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa’t-isa’y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

Chorus: Jay Durias
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan

Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…
Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

2nd Verse: Gloc-9
Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi
Madalas na magising wala ka saking tabi
Pero di naman siguro, baka guni-guni
Ko lamang to, wala lang to, siya’y may pinapabili
Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan, di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano
Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga, ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto, sakin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal, sabay hubad ng ‘yong singsing
Ako’y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

Chorus: Jay Durias
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…
Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

Last Verse: Gloc-9
Ako’y bumunot ng baril, na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga
Piniringan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa, sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
Di na rin naman pwedeng maging tistigo si inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi to
Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis nyo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok nyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sayo at tuminig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko’y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig? (di mo nadinig)

Album

Gloc–9 – Mga Kwento Ng Makata