Lyrics Gloc–9 – Totoo
Text:
Lirah Bermudez, Gloc 9:
Kahit na, kahit na ganyan
Pangit man, aking pagtatakpan
Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito
(Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat
Kayo sa buhay na kagandaha’y hindi sapat)
Totoo
(Buto ma’y mabanat, laliman ang kagat
Alam ko’y ‘di mo sasabihin sa akin ang lahat)
Zjay:
Ano ba ang dapat na paganahin
Naglalaro ang isipan, kalaban ang damdamin
Nalilito minsan kung ano ang dapat unahin
Pero kahit na ganun, kailangang unawain
Kasi hindi maamin tunay na nararamdaman
Tanggap na lang kahit palaging pinagtatawanan
Dati nagaalangan, ngunit ‘yun ata’ng itinadhana
Muntik na ‘kong maniwalang destiniya ay madaya
Ngunit ganun pa man, wala akong paki (wala)
Ayos lang din sa’kin kahit di ipagmalaki
Kahit pa ramdam ko talaga ano ang gusto
Basta huwag mo sabihin sa’kin kung anong totoo
Lirah Bermudez, Gloc 9:
Kahit na, kahit na ganyan
Pangit man, aking pagtatakpan
Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito
Tuwing kapiling, huwag mo sabihin sa ‘kin ang totoo
(Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat
Kayo sa buhay na kagandaha’y hindi sapat)
(Buto ma’y mabanat, laliman ang kagat
Alam ko’y ‘di mo sasabihin sa akin ang lahat)
Zjay:
Matutuloy pa ba o dapat nang tigilan, pagpilitan
‘Di na tama kung ano ang sa ati’y namamagitan
Kung iyun talaga ang dapat, mag-ingat ka, salamat
Sa mga araw na mga kamay ay magkahawak
Kahit ‘di magsalita, kitang-kita sa mata
Na wala nang mundo sa kung hindi ka masaya
Dun ko na-realisa, na aabot din sa punto
Na baka hindi rin tayo aabot hanggang sa dulo (dulo)
Ngunit ganun pa man, wala akong paki (wala)
Ayos lang din sa’kin kahit di ipagmalaki
Kahit pa ramdam ko talaga ano ang gusto
Basta huwag mo sabihin sa’kin kung anong totoo
Lirah Bermudez, Gloc 9:
Kahit na, kahit na ganyan
Pangit man, aking pagtatakpan
Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito
Tuwing kapiling (tuwing kapiling), huwag mo sabihin sa ‘kin ang totoo
(Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat
Kayo sa buhay na kagandaha’y hindi sapat)
Totoo
(Buto ma’y mabanat, laliman ang kagat
Alam ko’y ‘di mo sasabihin)
(Pilitin mang ibaling mo ang ihip ng hangin
‘Di mababago ang lasa ng labi mo sa akin)
(Gabi-gabing hinaing, kahit ‘di ka umamin
Alam ko na kung sino sa atin ang sinungaling)