Lyrics Jaya – Tayo Pala Talaga
Text:
Nagkasundo ang b’wan at tala
At mga planeta
Nagkatagpo ang ‘yong akala
At aking hinala
Mula pa man nung una
Ginuhit na ng dios bathala
Walang kaduda-duda
Tagal kitang hinanap, tagal na pinangarap
Saan ka ba nagtago
Bigla kang nagpakita, bigla na lang pumila
Ang puso’y pinangako
Wala nang alinlangan, paglingap mo’ng kailangan
Ikaw pala ang dapat
Wala nang alanganin, sagot sa panalangin
Marami pong salamat
Mismo at wala nang hahanapin pang ibang pag-ibig
Magpakailan mang paghimig
Nagkasundo ang b’wan at tala
At mga planeta
Nagkatagpo ang ‘yong akala
At aking hinala
Inukit sa ating tadhana
Mula pa man nung una
Ginuhit na ng dios bathala
Walang kaduda-duda
Tayo pala, tayo pala
Tayo pala talaga… tinalaga
Mismo at wala nang hahanapin pang ibang pag-ibig
Magpakailan mang paghimig
Nagkasundo ang b’wan at tala
At mga planeta
Nagkatagpo ang ‘yong akala
At aking hinala
Inukit sa ating tadhana
Mula pa man nung una
Ginuhit na ng dios bathala
Walang kaduda-duda
Tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pala talaga
Tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pa, tayo pala talaga
Panalong panalo, kamadong kamado
Eksaktong eksakto na tayong tayo
Umaga, maghapon, segundo, minuto
Ngayon at kahapon na tayong tayo
…