Lyrics Kiyo – Pantalan, Pt. 1
Text:
Araw araw kitang iniisip, pinipilit alamin kung ano ang yong panaginip
Huling sambit mo ng paalam sakin, nakasilip sa bintana ng kotse, ako’y papalayo sa langit
Sana di rin ka mainip, ikay naghihintay palagi
Hinahanap sa dami dami na langgam, nag iisa na hari
Pag wala ang yong ngiti hindi maganda ang tanawin
Mas madalang pa sa minsan, ang pagdalaw, susulitin bawat hangin
Kay tagal na panahon ang hinintay, di bibitawan ang kamay ikaw ay akin
Panalangin na maging masayang kwento at halimbawa
Numero uno kong mahal si nanay, ikaw pangalawa
Mga alala, lagi ko yang dala dala
Paggagala ng aking isip di pinansin mga babala
Malayo man ang biyahe, tiniis, sayo ako patungo, ikaw ang bakasyon ko
Malayo man ang biyahe, mabilis ang panahon o ikaw
Oh ikaw nanaman
Tagal natin na hindi nagkita, ang sarap mo talaga na tignan
Isang taon nanaman ang lumipas, pagkagising ko abril nanaman
Malayo sa syudad, ako’y ligaw, ikaw pa din ang aking uuwian
Tapos na ang tag ulan, bilis ng panahon
Bakasyon wala nang kulang
Sayo lang ayos na yon, ayos na yon
Sayo lang ayos na yon, ayos na yon
Sayo lang ako kahit ilang kilometro pa ang layo
Matatawag mo na dayo, pero malinis aking layon
Masaya maging ako pag sa paglalakbay tayo ay sabay
Na maglalayag, basta isa’t isa, sanctuaryo
Pasensya ka na, masyadong mainit ang panahon
Wag daw ako lumabas ng bahay ang sabi nila
Sana payagan ako at ikaw, para makatambay tayong dalawa
Magkwentuhan sa lilim tungkol sa mga
Kinatatakutan, pinagiipunan, naniniwala ka ba sa mga
Pinapakulam, ginagayuma, pati walang ulo na matatanda
Ano ang pangarap mo, takot din ako sa mga daga
Pero baka kilala ko ang mga paborito mo na banda
Mga pelikula na nagpaluha sayo ng paulit ulit
Sulit sulit, bente na dala, wala nang pero’t ngunit
Rekta na’t walang palugit, do it lang tayo ng do it
Sandali na kinupit, pwede ba pa na humirit
‘Yoko lang masayang ang bawat sandali wag mapakali
Kaya’t dahan dahan lang sapagkat nasatin na ang gabi
Malayo man ang biyahe, tiniis, sayo ako patungo, ikaw ang bakasyon ko
Malayo man ang biyahe, mabilis ang panahon o ikaw
Oh ikaw nanaman
Tagal natin na hindi nagkita, ang sarap mo talaga na tignan
Isang taon nanaman ang lumipas, pagkagising ko abril nanaman
Malayo sa syudad, ako’y ligaw, ikaw pa din ang aking uuwian
Tapos na ang tag ulan, bilis ng panahon
Bakasyon wala nang kulang
Sayo lang ayos na yon, ayos na yon
Sayo lang ayos na yon, ayos na yon
Pero ang totoo, nalulungkot ako, dahil minsan lang
Sana dito nalang ako everyday
Yoko na dun saamin masyadong stressed dun babe
Sayo nalang ako para maenjoy ang waves
Enjoy ang waves, enjoy ang waves
Sana dito nalang ako everyday
Yoko na dun saamin masyadong stressed dun babe
Sayo nalang ako para maenjoy ang waves
Enjoy ang waves, enjoy ang waves
Sana dito nalang ako everyday
Yoko na dun saamin masyadong stressed dun babe
Sayo nalang ako para maenjoy ang waves
Enjoy ang waves, enjoy ang waves
Everyday
Enjoy ang waves