Lyrics Orange & Lemons – Pag–Ibig Sa Tabing–Dagat
Text:
Isang dapit-hapon sa tabing-dagat
Sa aking paglalakad
‘Di ko maiwasang mapansin ang mga bagay-bagay
Ang hangin na masuyod na dumadampi
Sa aking mga pisngi, hmm, at bumubulong
Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo’y matang
Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay
Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo’y matang
Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay
«Nasaan na sya?»
Para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
«Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon?»
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin
Sa aking mga binti’y, hmm, naglalambing
Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa
Na dati-rati, oohh, ay may katabi