GLyr

Regine Velasquez – Hele Ni Inay

Albums: Regine Velasquez – Hulog Ka Ng Langit
song cover

Lyrics Regine Velasquez – Hele Ni Inay

Text:

Kay tagal ng panahon
Awit mo’y naririnig
Sa tuwing gabi
Ng paskong tahimik

Tanging tinig mo
Ang nagpapasabik
Na hintayin ko
Dakilang araw sa sasapit

Kay tagal ng panahon
Sa iyo’y nangungulila
Sa bawat haplos
Sa aking mukha
Sa tuwing nahihimbing
Hinihintay pa rin
Maramdaman muli
Ang yakap mo sa akin

Ang tanging hiling
Sa paskong darating
Hele mo inay
Muling marinig
Ang tanging hiling
Sa paskong darating
Sa iyong kandungan
Muling maidlip

At kung matutupad
Ang dasal sa maykapal
Makapiling ka muli
Ng isang sandali
Ang paskong ito’y
‘di ko ipagpapalit

Sa lahat ng paskong
Sa aki’y darating

Ang tanging hiling
Sa paskong darating
Hele mo inay
Muling marinig
Ang tanging hiling
Sa paskong darating
Sa iyong kandungan
Muling maidlip

Album

Regine Velasquez – Hulog Ka Ng Langit