Lyrics Sarah Geronimo – Ganito
Text:
Ang pag-ibig ay ‘di lang pakiramdam
‘Pag tumatagal, lalong dapat alagaan
At kung ‘di mo kaya na siya’y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita
Ganito
Ang kanyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan niya ay tawagin mo
Kung pa’no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala na’ng mas mahalaga yakapin ang dinarama
Ng lubos, at kung ayaw mo na siya’y maglaho
Mahalin mo siya ng ganito
‘Di kailangan ng magagarang salita
Ipaalam mo lang pinipili mo siya araw-araw
At kung ‘di mo kaya na siya’y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita
Ganito
Ang kaniyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan niya ay tawagin mo
Kung pa’no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala na’ng mas mahalaga yakapin ang dinarama
Ng lubos, at kung ayaw mo na siya’y maglaho
Mahalin mo siya
Kaya mo ba’ng tumabi sa kaniya
Kahit ‘tulak ka niya palayo?
Samahan siya sa madilim niyang mundo
Para lang ipakita na ‘di siya nag-iisa dito

Ng ganito