Lyrics Sarah Geronimo – Patawarin
Text:
Ako ang nagkamali
At hindi na kayang ibalik
Tumingin ka sa’king mata
Pagsisisi ang nadarama
Nais ko lang sabihin
Sana’y ‘di pa huli ang lahat
Patawarin mo sana oh giliw
‘Di ko sinadyang ikaw ay
Malimutan at masaktan pa ang
Damdamin mo oh mahal ko, patawad
Ginawa mo ang lahat
At ikaw ay binalewala
‘Di alam ang takbo ng
Puso at isip ko’y ‘di pinagbigyan
Nais ko lang sabihin
Sana’y ‘di pa huli ang lahat
Patawarin mo sana oh giliw
‘Di ko sinadyang ikaw ay
Malimutan at masaktan pa ang
Damdamin mo oh mahal ko
Kung may pagkakataon pa
‘Di ka na pakakawalan pa
Itutuwid ko ang mali
Nang ‘di maulit lahat ng aking ginawa
Patawarin mo sana oh giliw
‘Di ko sinadyang ikaw ay
Malimutan at masaktan pa ang
Damdamin mo oh mahal ko, patawad