GLyr

Siakol – Don Juan

Singers: Siakol
Albums: Siakol – ...Sa Pag-Ikot Ng Mundo
song cover

Lyrics Siakol – Don Juan

Text:

Naghahari-harian ka dito sa mundo
Wala kang ginawa kundi ang mang-api ng tao
Mga alipores mo sunod-sunuran lang sayo
Sa kinang ng pera mo marami kang naloloko

Laganap na ang krimen sa iyong kagagawan
Sa kayamanan mo kasalana’y napagtatakpan
Mga tao’y takot kaya nagbubulag-bulagan
Kahit may katungkulan ikaw ang pinakikinggan

Hindi ka Diyos, tao ka lang pareho lamang, Don Juan
Hindi ka Diyos, tao ka lang nasasaktan, Don Juan

Wala ka bang damdamin sa mga kababayan natin
Ang lupa ng mahirap ay gusto mo pang sakupin
Mga daing nila nililipad lamang ng hangin
Hindi ka na naawa kahit man lang katiting

Sinusunog na ang kaluluwa mo sa impiyerno
Diyos ka ng kadiliman Diyos ka ng mga demonyo
Nangingiti ka pa sa mga kahayupan mo
Wala kang knatatakutan kahit na sino

Hindi ka Diyos, tao ka lang pareho lamang, Don Juan
Hindi ka Diyos, tao ka lang nasasaktan, Don Juan

Hindi ka Diyos, tao ka lang pareho lamang, Don Juan
Hindi ka Diyos, tao ka lang nasasaktan, Don Juan

Hindi ka Diyos, tao ka lang pareho lamang, Don Juan
Hindi ka Diyos, tao ka lang nasasaktan, Don Juan

Album

Siakol – ...Sa Pag-Ikot Ng Mundo