GLyr

Aiza Seguerra – Kay Ganda Ng Ating Musika

Исполнители: Aiza Seguerra
Альбомы: Aiza Seguerra – Aiza Seguerra - Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan
обложка песни

Текст Aiza Seguerra – Kay Ganda Ng Ating Musika

Текст:

Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami’y pag-ibig

Kung umapaw, ang kaluluwa’t tinig
Ay sadyang nanginginig

Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Bawat sandali’y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka’t bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na’t inyong dinggin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin

Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugin o himig
Sa isang makata’y maririnig
Mga titik, nagsasabing

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin

Альбом

Aiza Seguerra – Aiza Seguerra - Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan