GLyr

Daniel Padilla – Malay Ko

Исполнители: Daniel Padilla
обложка песни

Текст Daniel Padilla – Malay Ko

Текст:

Minsan, ang buhay
Sadya ba itong makulay
Mayroong saya
Mayro’ng lungkot din ‘tong dala

Parang hangin, nadarama
Pero ‘di naman ito nakikita
Tulad sa dilim
Hanap ko’y liwanag din

Ako’y nagtataka, naiiba
Ang aking nadarama
Buhay ko’y nagkagulo
Mula nang ika’y iwanan ko

Nangangarap na sana’y
Kaya kong ibalik ang kahapon
At ‘di na muling
Magkamaling iwanan ka

Sa pagdikit ng aking mata
Ikaw pa rin ang nakikita
Ang yakap mo
Hanap ko sa t’wina

Ako’y nagtataka, naiiba
Ang aking nadarama
Buhay ko’y nagkagulo
Mula nang ika’y iwanan ko

Sana’y may bukas pa
Aasahan sa pag-ibig mo
At nang muli kang
Mahagkan sa labi

Maghihintay ako
Sa muling pagtibok

Ng puso mo
At ‘di na muling
Magkamaling iwanan ka