GLyr

Jaya – Tanggap Ko Na

Исполнители: Jaya
Альбомы: Jaya – Queen Of Soul
обложка песни

Текст Jaya – Tanggap Ko Na

Текст:

Batid ko na
Sa ‘yong mga mata
Ang taglamig
Init ay nawaglit

Marahil nga
Dito magwawakas
Ang mga taong
Nilaan para sa yo

‘Di malaman ang dahilan kung bakit tayo
Humantong sa dulo ng ating pagsuyo
Ang pait ay ‘di maiwawaglit
Kahit sa isang saglit
Puso’y tila manhid

Tanggap ko ba
Kung mag-isa?
Di’ ko mapigil na
Ang mga luha na
Bumabaha
Wala na bang
Magkakapagsalba
Sa ating dalawa?
Tanggap ko ba?

Alam ko na
Kung ‘di na kaya
Ang magtiis
At maghinagpis
Dahil sa yo
Ako’y natutong
Maghintay
Manhirin ang lumbay

Kay tagal din ng pinagsamahan natin
Pinilit na unawaain ang loobin
Ngunit kahit na anong gawin
Hindi na magtugma ating damdamin

Tanggap ko ba
Kung mag-isa?
Di’ ko mapigil na
Ang mga luha na
Bumabaha
Wala na bang
Magkakapagsalba
Sa ating dalawa?

Sana’y panaginip lamang
Pagmagmulat ay nandyan ka pa
Ngunit ang katotohanan
Ay aking pilit tatanggapin
Dahil di ka para sa ‘kin

Tanggap ko na
Ang mag-isa
Dahil pumawi na
Ang mga luha na
Bumabaha
Wala na ngang
Magkakapagsalba
Sa ating dalawa…
Tanggap ko na

Tanggap mo ba?
Tanggap ko na

Альбом

Jaya – Queen Of Soul