GLyr

Parokya Ni Edgar – Ang Parokya

Исполнители: Parokya Ni Edgar
Альбомы: Parokya Ni Edgar – Parokya Ni Edgar - Pogi Years Old
обложка песни

Текст Parokya Ni Edgar – Ang Parokya

Текст:

Chito:
Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan
At kahit na anong mangyari, pare steady ka lang

Pangako namin sa inyo palaging tandaan

Na ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Nandyan si Dindin, ang drummer naming cute na cute
Kaibigan ko na sya mula nung ’82
Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute
Pati mag drums pero ok lang yan chong, salute
Grade 3 nung nakilala ko si Montaner
Ang aming back up extra ordinaire
Sa bawat gig handa syang magpakamatay
Kasi nag-iisa yung kanta nya, yung Picha Pie
Si Buhawi, pinakamagulong bahista
Magaling, malupit, para syang karatista
Pag inyong makita, kala mo rakista
Pero gusto nya lang talaga maging fashionista
Si Gab, gitarista namin na malupit
Anak ng teacher kaya akala mo mabait
Pero kung minsan inaatake ng kulit
Nawawala bigla ang modo, banatan sa ****
At ang huli, si Darius Gerard Semaña
Ang pinakamatandang member ng Parokya
Wala kaming mahanap na ibang gitarista
Kaya kinuha namin sya kahit Lasalista

Ang Parokya kahit na hindi magaling

Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Gloc9:
Ako si Gloc9 batang Binangonan Rizal
Sipag tyaga dugo pawis na may kasamang dasal
Di pwedeng mainip kahit na gaano pa katagal
Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal
Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy,
si Chito Miranda nakita ko sa kod-li
Ako’y napa-isip at medyo nangarap ng konti,
baka nga may mapala ang isang makatang promdi
Lumipas ang isang taon, may tumawag sakin
nang sabihin nya kung sino sya gusto ko syang murahin
nang aking pinuntahan di ko sukat akalain
makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng marami
Bagsakan ang nangyari
Samahang binuo namin wala akong masabi
kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin
Mula noo’y di na ko nakatulog ng mahimbing.
Palaging atat ipadinig sa lahat kung saan nagmula ang tulang nag-ugat
dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
dahil susunod na sakin ang anak ng alamat

Frank:
Sintamis ng makopa para bang naka-toga
nakamit na ang inaasam nilang diploma
‘di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona
yan si Chito at ang tropa pagkabibo ay sumosobra
pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
pag pumito na si kuya alam nating magulo na
mang pulis ho totoo na ako’y testigo ilang taon na
kulang nalang sulat ko’ng pangalan nila sa balota
walang pinoy na takot sa kanila
kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada sila ang pipiliin
na kalahok tampok sa kalokohang subok
walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
sa pintuan palang hindi mo kayang makatok
sa bituka palang sila’ng mas matatag
sa totoo lang ‘di niyo kaya si Chito Miranda at Gab,
Chee Kee Vinci Moreno Semana at Meneses
nominado at nanalo ng maraming beses
nakalathala sa punong Acacia
ang Diyos ay marunong humasa
‘di ba halata na binasbasan ng Bathala ‘sing tibay ng Narra
‘di natakot mangarap pakinggan niyo’ng Harana,
mga kapatirang pariwara na inararo ng drama,
itaga niyo na sana sa bato at mangako na habambuhay magsasama

Chito:
Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Альбом

Parokya Ni Edgar – Parokya Ni Edgar - Pogi Years Old