GLyr

Siakol – Malaya Ba

Исполнители: Siakol
Альбомы: Siakol – Pantasya...
обложка песни

Текст Siakol – Malaya Ba

Текст:

Oh mahal kong bayan
Dahil sa’yong kagandahan
Maraming naghangad sa’yong
Mananakop na dayuhan

Ang katahimikan mo ay kanilang ginulo
Ngunit may nagtanggol sa’yo
Mga bayaning Pilipino

Nagkaisang lumaban
Para sa ating kalayaan
Bayaning matatapang
Bayani ng ating bayan

Hindi malilimutan
Ang kanilang kadakilaan
Ang pag-ibig sa bayan
Humantong man sa kamatayan
Ngayong malaya na
Malaya ba?
Malayang gumawa ng masama

Oh mahal kong bayan
Ito ba ang kalayaan?
Kung ang sarili mong anak
Ay nagpapatayan
Mga asal dayuhan sa sariling bayan

Mga bagong bayani
Sa sariling kapakanan
Ngayong malaya na
Malaya ba?
Malayang gumawa ng masama

Oh mahal kong bayan
Na ngayo’y nahihirapan

Perlas ng silanganan
Bakit dinumihan
Ang ating kalayaan
Para sa kapayapaan
At hindi ang kalayaang
Gumawa ng kasamaan

Альбом

Siakol – Pantasya...