GLyr

Siakol – P.I.

Исполнители: Siakol
Альбомы: Siakol – Tropa
обложка песни

Текст Siakol – P.I.

Текст:

Narito ako sa isang lugar
Na hindi ‘ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
Na ang hantungan ay kawalan

De numero ang galaw ng tao
Bawat gawin ay may presyo
Oh, narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan

Daing ng tao’y ‘di pinapansin
Nililipad ng hangin
Pagkain sa araw-araw hindi malaman
Pa’no pagkakasyahin
Lalong yumayaman kapag mayaman
Lalong naghihirap kapag mahirap
Oh, narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan

Walang ginagawa
Ang mga walang awa
Walang nagagawa
Kahit pa ngumawa, magmakaawa

Bumaha ng mga luha… (luha) haaa!
Bumaha ng mga luha… (luha) haaa!

Narito ako sa isang lugar
Ng mga taong tumatakas
Naghahanap ng swerte sa iba
Dahil dito’y wala ng bukas

Kakarampot na sasahurin
Sa sobrang mahal ng mga bilihin
Oh, narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan

Walang ginagawa
Ang mga walang awa
Walang nagagawa
Kahit pa ngumawa, magmakaawa

Bumaha ng mga luha… (luha) haaa!
Bumaha ng mga luha… (luha) haaa!

Narito ako sa isang lugar
Na hindi ‘ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
Na ang hantungan ay kawalan

De numero ang galaw ng tao
Bawat gawin ay may presyo
Oh, narito ako, oh narito
Oh, narito ako bakit ganito
Oh, narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan

Альбом

Siakol – Tropa