GLyr

Dong Abay – Ay Buhay

Singers: Dong Abay
Albums: Dong Abay – Dong Abay - Flipino
song cover

Lyrics Dong Abay – Ay Buhay

Text:

Tambay sa tulay
Ang matandang pilay
Akbay ang saklay
Mata’y matamlay

Ay buhay

Ngalay na ngalay
Kanyang kanang kamay
Panay ang antay
Grasyang ibigay ay buhay

Ay buhay siya’y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay
Ang lagay matirang matibay ay buhay

Laway at kaway
Awa ang taglay
Sanay magpatangay
Ang nanlulupaypay
Ay buhay

Sabay ang sakay
Sa sanlaksang ingay
Lantay na lumbay
Latay sa malay
Ay buhay

Ay buhay siya’y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay
Ang lagay matirang matibay ay buhay

Ay buhay siya’y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay

Ang lagay matirang matibay ay buhay

Album

Dong Abay – Dong Abay - Flipino