GLyr

Gloc–9 – Industriya

Singers: Gloc–9
Albums: Gloc–9 – Gloc-9 - Sukli
song cover

Lyrics Gloc–9 – Industriya

Text:

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin yayaman ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Pare tingnan mo sisikat din ako, Di nga

Ito ay mga kaganapan sa buhay,
Ng isang tao sa mundo ng ibat-ibang kulay,
Ilaw na patay sindi,
Kahit na hindi gabi,
Malalakas na tugtugin na nakakabingi,

Pero ito ang dinasal ito ang hinagilap,
Kapalit ng pagaaral kahit tila mahirap,
Habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili,
Matulin-tulin bunutin pag natibo ka ng bote,

Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa,
Kahit na alam mo ang puhunan mo dugo’t luha,
Meron kang dala dalang ‘di alam ng iba,
Lamunin man ng kaba, ininsayo mo na

At hinding hindi ka papayag na ‘di mo maabot
Kahit ulitin pang iyong layo’t laot may mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa yan ay kanyang lalampasan.

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin yayaman ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Hoy ai idol, Ha mayabang naman yan e

Liwanag na nakakasilaw, simula sa araw,
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw,
Sigawan ng mga tao, kahit saan mapunta,
Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba,

Kahit ano ang iyong gawin, ay kanilang bibilhin,
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin,
Sa bilis ng pangyayari di mo namalayan,
Bagong bahay lote kotse lupa at kayamanan,

Na sa iyong kamay na gustong kamayan ng lahat
Kaibigan na hindi mo na bilang
Na laging nakaakbay gusto kang sabayan sa daan
Papayungan ka kapag umuulan

Ikay nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng ‘yong hawak naging bangungot ang

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin yayaman ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Hoy kilala mo ba yan? Oo laos nayan

Panahon ay dumaan, naging pangilan-ilan
Pag sampa ng entablado nakalimutan
Na mga awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upuan na nakikinig lang ay ikaw

Sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
Di mo matangap kasi wala ng nakakaalala
Dumating ang tagtuyot ni walang kamalay malay malungkot
Dahil di ka nagtatabi ng palay nung sagana sa lahat

Madami kang kaibigan na akala mo hinding hindi ka tatalikuran ngbiyong mapag
Alaman na ikay napag iwanan makatapos ng lahat
Ikaw ang pinagtatawanan dahil

Nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi kana sikat
Ang layo ng nirating di mo nakita ang hinanap
O humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin yayaman ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Album

Gloc–9 – Gloc-9 - Sukli